Saturday, September 12, 2009

Minsan...

...hindi mo na alam kung paano magreact. Parang paulit-ulit nalang kasi.

Madali lang akong kausap...

Kung gusto mo, gusto ko rin.

Kung ayaw mo, ayaw ko rin.

Kung aalis ka, iintayin kita.

Kung kailangan mo ko, andito lang ako.

Kung ayaw mo nang bumalik, ok lang, gusto mo yun, edi gusto ko na rin.

Kung mahal mo ko, mas mahal kita.

Kung mas mahal mo na s'ya, sakto lang, hiniram lang naman yata talaga kita sa kanya nung nakalimutan ka n'ya.

Kung aakusahan mo ako, sige lang, alam ko naman na alam mong hindi totoo yun, nagp-padala ka lang sa imagination mo.

Kung aawayin mo ko, sige lang, palalagpasin ko.

Kung ayaw mo na, sabihin mo lang, aayaw na rin ako...

...You don't even have to be the bad guy... Gamitin mo na lang excuse yung ina-akusa mo sa'kin, para ako na lang ang kontrabida sa istoryang 'to.

Ibigay mo ang kaya mong ibigay. Wala akong hinihingi sa'yo at wala akong hihingin. Hindi kita susumbatan, dahil hindi ako ganon.

Madali lang akong kausap...

...Kausapin mo ko. Andito lang naman ako kung san mo ko iniwan.

19 comments:

  1. ...Make it fast, though. Baka dumating ang araw na magsawa na rin ako ng kahihintay.

    ReplyDelete
  2. haayy love. its such a fucking bitch.

    ReplyDelete
  3. ok. sorry sorry na..sabi nga ni aga mulach...wala naman akong ipinangako diba masaya naman tayo diba?-dubai....hahahahahaha

    ReplyDelete
  4. kilala mo na pala kapatid kong si kasmot-raffy

    ReplyDelete
  5. Kausapin mo ko. Andito lang naman ako kung san mo ko iniwan.
    TRAPPED ATE, :p

    saksakin mo na! para wala nang keme keme!
    "ayoko na masaktan. pero di kita magawang kalimutan"

    ReplyDelete