Nakaupo ka lang sa isang tabi... Nananahimik. Doing your thing and minding your own business. Tas biglang may susulpot. Magugulat ka, syempre. Di mo naman inaasahan. Ang malupit non, kukulitin ka, lalandiin ka, tatawagan ka, pupuntahan ka, gagambalain ka, at ang pinakamakulit non, paiisipin ka pa...
Hanggang sa sobrang pagiisip, matatanong mo na sarili mo, "Ano ba talaga gusto non? Hindi naman nanliligaw.", eh hindi masagot ng sarili mo kaya tatanungin mo sa best friend mo, barkada mo, kapitbahay mo, pinsan mo, ka-chat mo, sa saleslady, yung tambay dun sa kanto, at pati mga halaman sa bahay na kung nakakapagsalita lang, babatukan ka na kasi ang kulit mo.
Sari-saring sagot ang makukuha mo, pero 70% ng mga pinagtanungan mo ang sagot ay, "May gusto yan sa'yo. Nagt-timpi lang.", eh di mas lalo ka naman napaisip.
"Kung may gusto s'ya sa'kin? Ano dapat kong maramdaman? Kaya ba ako nagt-tanong kasi deep inside gusto ko rin? O napamahal na lang s'ya sa'kin kasi ang landi landi n'ya. Sweet pa ang hunghang... Ano ba talaga?" -- Hanggang sa kakaisip mo, nain-love ka na nga... Ba't mo kasi inisip? Tsk. Pwede mo naman sanang palagpasin na lang, no? Inisip mo pa ng inisip kaya yan ang napapala mo. Nai-inlove ka tuloy. Tas makikinig ka ng pakilig love songs.
Alam mo kung ano ang makulit don, ang pinakinggan mo yung 70%... Eh paano kung biglang yung 30% chance ang totoo? Sure, 30% lang ang chance na wala s'yang gusto sa'yo. Compared sa 70% maliit ang 30%, pero naisip mo ba na kung sa SALE yan papatusin mo yang 30% off na yan? ...Nanginginig pa! Malaking percentage ang 30%, kala mo...
Kaso sa kaiisip mo at dahil nain-love ka na nga, binalewala mo yun, at nagfocus ka sa 70% chance na may gusto s'ya sa'yo.
And what do you know? After months and years, nang landian at kulitan... Yung 30% pala talaga ang totoo. Kung anuman ang rason n'ya kung baket n'ya ginawa, ginagawa, at gagawin ang mga pagl-landi at pagk-kulit sa'yo, is unimportant... Ang importante lang dun eh wala s'yang gusto sa'yo. At kahit pa anong gimik ang maisipan mong gawin at kahit libutin mo ang buong mundo katatanong ng advice sa kung kani-kanino, hindi s'ya magkakagusto sa'yo.
Aray.
Ngayon, iiyak ka sa mga kaibigan mo, kasi syempre masakit diba? Tapos magt-tanong ka na naman sa sarili mo... "Baket ganon? Baket di n'ya ako gusto? Maganda naman ako. Matalino. Sweet. Thoughtful..." ...At kung anu-ano pang good traits ang maisip mo sa sarili mo. Yung mga pakilig lovesongs na paulit-ulit sa iTunes mo, biglang mapapalitan ng makabagbag-damdaming pang-emote na mga kanta. Tas iiyak iyak ka.
Tapos ano? Shempre pagkatapos non magiging bitter ka... Mab-bussett ka sa kanya... Baket ka nga ba naman kasi n'ya inumpisahan, nananahimik ka lang sa isang tabi, tas bigla kang lalandiin ng walang pakundangan. Magagalit ka sa kanya, magagalit ka sa sarili mo, maiinis ka, mab-bussett. Tas naka-repeat ang Ampalaya songs sa iTunes mo. Tas magp-plot ka na ng revenge mo. "Ha! Magugustuhan mo din ako! At pag nangyari yun. Ayoko na sa'yo. Bussett ka!", kasi hindi parin nags-sink in sa'yo kung ano ba talaga ibig sabihin nung 30%... No means no means no. Anubah?
Finally, out of the blue, mawawala na yung galit mo, inis, bitterness, ang malupit non, pati na yung love na pinagsimulan ng lahat, eh wala na rin. Biglang lahat yun... Wala na. Parang rollercoaster lang... Super intense, tapos... Wala na. Tapos na.
Ang tahimik.
Kung tutuusin, parang wala lang. Bumalik lang sa dating pananahimik mo... Pero di ka mapakali. Sa tagal ba naman na nagambala ng emosyon ang katahimikan mo, tas biglang dead silent, shempre magugulat ka. Hahanap-hanapin mo yung feeling na nakakaramdam ka. Kasi parang biglang wala kang nararamadaman na intense emotion, nakakapanibago, diba?
Pero wag ka nang mag-alala. Balik na sa dati. Tapos na ang kaguluhan! Nananahimik ka na ulit. All is well in the world! Mag-party ka, i-enjoy mo 'to. Moment mo 'to! Mag-celebrate ka...
...Kasi tiyak n'yan, mabilis pa sa alas kwatro, may bagong susulpot na manggugulo sa buhay mo.
YOWN! tinagalog na!! :D
ReplyDeleteAll swell ends well.
ReplyDeleteTama nga ba?
Bwahahahahahahahahahahahahahaha.
ReplyDeleteTrying hard, eh no?
Pasado ba ang Tagalog keyyy?
Hahaha.
ReplyDeleteSomewhat.
LOL.
Tas magugulo ulit.
Ganon naman yata talaga eh. LMAO.
Yun lang.
ReplyDeleteAyus lang importante natuto ng leksyon.
Natuto na ganon lang talaga ang buhay...
ReplyDeleteNatuto na hindi dapat mag-isip ng mag-isip... Kasi dun nagugulo ang lahat.
Natuto... Ang tanong maalala kaya pag dating ng exam?
hehehe. bet ko to!
ReplyDeleteRelateable ba? Hehehe.
ReplyDeletehehe awts :D
ReplyDeletesa reflex action
baka maibato ko tong
kagat kagat kong bola ;))
Bwahahahahahahahahahaha.
ReplyDeleteReflex ampf.
Hahayyyy.
Ang tahimik ng buhay.
Hahanap-hanapin mo yung feeling na nakakaramdam ka. Kasi parang biglang wala kang nararamadaman na intense emotion, nakakapanibago, diba?
ReplyDelete-TAMA!
Hahahayyyyy...
ReplyDeleteGrabe. The silence is deafening.
Ang tahimik ng buhay. Kainisss. Hahaha.
maganda :)
ReplyDeletenakakaaliw basahin..
based on true story ba ito?
Thanks.
ReplyDeleteMedyo...
Medyo oo.
Hahaha.
Makikita mo yung progression sa previous blogs ko eh. LOL. Bale parang recap na lang yan. LOL.
...Ang tahimik ng buhay. Hahaha.
salamat naman at natapos na, napapagod ako sa nangyayari pero kung dahil sa mga ito muling mabubuksan ang puso mo sige tiisin mo na lang liligaya ka rin hehehehe
ReplyDeleteHahaha. Yeah, tapos na... Ang tahimik lang ng buhay. Hahaha.
ReplyDelete