Monday, December 15, 2008

Kwarto - Act 1, Scene 1 (Part 1)

(Monologue over a vignette of scenes)

WINTER


Ang hilig ng nanay ko sa malamig. Tatay ko naman ginawin. Eh under naman yun, kaya wala s'yang magawa. Kaya nung nagpakasal sila, lumipat sila sa Baguio, kung saan patong patong na sweater at pantalon ang suot ng tatay ko. Pero ok lang sa Tatay ko, dahil masaya na s'yang nakikitang masaya ang Nanay ko.

Di nagtagal, nagkaron din ng pamilya ang nanay at tatay ko. Obvious naman. Kung hindi, eh di hindi ako makakapag-kwento ngayon. Panganay ako... Gusto sana akong gawing Junior ng Tatay, pero gusto ng Nanay na ipangalan sa'kin ay Winter, eh wala naman magawa si Tatay dahil sa lubos na pagmamahal n'ya sa Nanay. Kaya...

Ako si Winter. Panganay. Matalino. Macho. Gwapo. Higit sa lahat... Humble.

Ehem.

May mga kapatid din ako... Puro babae. Si Nieves, si Snow, at si Ice. ...Now, I can't tell for sure, pero ang tingin ko, sila ang sanhi, kung bakit biglaang namuti ang buhok ng Tatay. Mahirap pala kapag babae ang anak. Hindi mo alam kung paano ka lulugar... Mas sensitibo kasi ang babae... Physically and emotionally... Hindi mo alam paano ih-handle. Dahil baka masaktan mo sila ng hindi sinasadya. Minsan iiyak na lang basta... Ang hirap. Ang hirap. Lalo na nung nagdadalaga na sila.

Nakupo.

Snow at age 9

'Tay, pa'no 'to? Di ako marunong. Dikit mo nga.

Tatay

*aburido* Ah eh...

...Maagang nagdalaga si Snow. Grade Four pa lang. Maaga din nag-asawa. Maagang nabyuda. Maaga lahat... Pero teka teka teka...

Hindi ito tungkol sa kanya.

Ang kwento ko ay tungkol sa isang matalino, macho, at g'wapong lalake na humble.

Ako yun. Ito ang kwento ko.

17 comments:

  1. I still don't know if this is the right way to execute this...

    It's new. (Just what I need right? A new something when all the other somethings still aren't finished.) I thought of it while showering.

    LOL.

    ReplyDelete
  2. bitin...... nang -aano ka naman eh....

    ReplyDelete
  3. Hehe. Light. Comedy. Cute and New. I like.

    ReplyDelete
  4. nabitin ako Mamu... :)

    good mornin po!

    ReplyDelete
  5. Subaybayan ang sosnod na kabanata! ...

    ReplyDelete
  6. wala akong internet nun mga panahon ng december '08
    pero di bale at least nabasa ko ngayon :)

    ang galing :D

    ReplyDelete
  7. Hahaha. Ngayon ko na nga lang ulit natuloy 'to...

    Ngayon lang ako nagkaron ng free time. Hehehe.

    Thank you.

    ReplyDelete
  8. Hahaha. Awww... Hihihi. Sige. I'll make a valiant effort to finish this.

    ReplyDelete
  9. maganda din yung nabibitin.
    pero sulat ka pa!

    ReplyDelete
  10. Hahaha. Sige sige. We'll see how the story unfolds tomorrow pag fresh na utak ko. Hehehe. Thank you sa pagbasa. Mwah!

    ReplyDelete