Ito nga palang blog na ito ay inaalay ko sa aking kaibigan na si Ei. Kaarawan n'ya kahapon, at ito ang hiniling niya mula sa akin. At dahil mabuti ko s'yang kaibigan hahayaan ko munang dumugo ang ilong ko para lang magawa itong "Tagalog Shorts" para sa kan'ya. Hahaha.
------------------------------------------------------------------
Kung bakit nga ba napakahirap magsulat gamit ang pormal na Tagalog? Siguro ito'y dahil maraming salitang Inggles na hindi maisalin sa Tagalog at kung meron man ay hindi ito nagagamit sa pangaraw-araw na pananalita.
Tila sa dami ng napupunta at naninirahang mga dayuhan sa ating bansa, ang ating wika ay nagka-halohalo narin. Kung sabagay, ang karamihan sa mga salita ng wika natin ay naguugat din sa iba't ibang wika, tulad ng Espanyol, Intsik, Latin, atbp.
Nakakatuwang isipin na ang wika natin ngayo'y maari pang magbago at lumago... Malay natin, matapos ang sampung taon, baka ang ating mga pinagkukunutan ng noo na mga pariralang "Taglish" ay matanggap na sa pormal na Tagalog.
...At malay natin baka pati narin ang salitang bakla na "Fagalog" ay matanggap na rin sa pormal na Tagalog.
Isipin ninyo pag nagkataon yon, ang mga legal na dokumento, mga pormal na sulat, at pati narin ang mga talumpati ng mga kagalang-galang (?) nating mga tagapamuno ay may kasamang chorva, kemerloo, cheverchever, at chenes.
Napakasaya siguro ng araw na ito. Mamamatay siguro ako sa katatawa.
Oh baket? Nakakatawa naman talaga diba?
Isipin ninyo, halimbawa'y makakatanggap kayo ng sulat mula sa inyong pinagta-trabahuhan na kayo'y kailangan nilang paalisin na at ang nakasaad dito ay:
Everdearezzz (Pangalan ng Empleyado),
Napaka-sorry namin ngunit ile-let go ka na ng kumpanya. Hindi dahil sa performance mo, pero kailangan lang magcutdowncheverchever kasi ang jeconomy ay di mapakali. Naka-encloseness ang letter of recommendationnessment mo at ang final salary. TCCIC!
Sincerly ever yours,
The Management Chuvaness
------------------------------------------------------------------
Pero kung susuriin ninyo, konti lamang talaga ang salita sa wikang Tagalog. Sa aking kaalaman at sa'king karagdagang pananaliksik ang Wikang Tagalog ay naglalaman ng mahigit 60,000 na salita lamang. Kumpara sa Wikang Inggles na mayroong higit sa 700,000 na salita, ito ay napakaliit na bahagdan lamang.
Kaya nama'y bilang isang tagapagsulat, aking napuna na tila limitado ang mapupukaw kong damdamin sa pagpapahayag ng aking mga panitikan, anekdota, maikling mga talambuhay, balita at mga iba't iba pang mga sanaysay na aking isinusulat.
------------------------------------------------------------------
Kung gaano kahirap magsulat sa pormal na Tagalog, mas mahirap magpatawa. Sapagkat sa ganitong pananalita o panunulat ang inaasahan ng tao na maririnig o mababasa mula sa iyo ay puno ng kaalaman at karunungan. Kaya naman bihira akong magTagalog. Dahil ang mga sinasabi at mga sinusulat ko ay puno lamang ng kalokohan at katangahan.
------------------------------------------------------------------
Ilang beses na rin akong nagpabalik-balik kung tama ba ang aking nagawa. Minsa'y naiisip kong ibalik na lamang sa dati ang lahat. Ngunit napipigilan ako dahil tila mas maayos ang lahat ngayon. Mas malinis at walang kalat. Siguro sa susunod na mga araw, buwan, o di kaya taon, ay magbago pa ang isip ko. Ngunit sa ngayon, manantili muna ako sa tama. At sa ngayon ITO ang tama.
------------------------------------------------------------------
Nais kong magpakulay ng buhok... Ngunit dalawang bagay ang bumabalakid sa aking pagde-desisyon. Una, wala parin akong pera. (Hahaha.) Pangalawa, ay hindi parin ako mapalagay kung ano talaga ang kulay na gusto ko.
Asul? Para kunwari'y tumutugtog ako sa banda.
Berde? Para kunwari'y tumutugtog ako sa banda ... ng mga Oompa Loompa.
Dilaw? Para ako'y mapagkamalang pakawala.
Pula? Katulad ng dati kong buhok, at para makapagkunwari akong kamag-anak ko si Ronald McDonald. Malay natin baka bigyan ako ng libreng hamburger dahil doon.
Pilak? Dalawa ang pwedeng maging resulta ng kulay na ito sa akin. Maari akong maging kamukha ni Halle Berry sa Xmen at maari din naman akong maging kamukha ng iyong lola.
Ano sa tingin ninyo ang babagay na kulay sa akin?

------------------------------------------------------------------
Siyanga pala, sa kadahilanan nga na kakaunti lamang ang salitang Tagalog ako'y naghanap ng Tesauro sa Google. At sa aking pananaliksik, nakita ko ito:
http://translate.google.com/
Subukan ninyong isalin itong pahina na ito sa Inggles. O di kaya iba pang mga pahina na Tagalog. Sigurado akong, hindi ko man kayo napangiti o napatawa ng lubusan sa aking salaysay ngayon, dito ay gugulong kayo sa sahig sa katatawa.
------------------------------------------------------------------
Katapusan na ng linggo at ako'y lubos na nagagalak! Bukas sana'y matapos ang pagpapagawa sapatos kong pansayaw para sa aking klase sa Sabado.
Hanggang sa muli!
FTW! Tagalog Shorts. Didn't think this would ever happen didya? Hahaha.
ReplyDeletereminds me of kuya bodjie and ate sienna of batibot
ReplyDeleteBwahahaha. That's where I got that from. LMAO. Laking Batibot eh. Bah-behbi-bohbu. LMAO.
ReplyDeletehehehe!! mahirap tlg magtagalog...
ReplyDeletei mean, magaling akong magtagalog (sa salita) pero magsulat using the Filipino language is really hard for me.... siguro, depende sa nakasanayan...
Yeah... Totoo. Mahirap nga talaga. I remember this question that a friend asked me once --- "What language do you think in?". So in my mind, I asked myself, "Do I think in Tagalog or English?"... LOL. I guess I got my answer.
ReplyDeletehehehe!! oo nga..
ReplyDeleteisang magandang akda! Dumugo ang ilong ko!! hehe :)
ReplyDeletenapkatalinhaga naman ng iyong sanaysay .. hanggang ngayon ay aking ninanamnam ang bawat titik at talata na iyong iniakda .. ( sabog ang aking balintataw)
ReplyDeleteWTHell ... sakit sa ulo miss D =)
I tried to translate it .. coño/ janina san miguel type hehehehe
ReplyDeleteCant help but laugh right now LMAO
:D
ReplyDeleteBwahahaha. Believe me, habang sinusulat ko 'to, hindi lang ilong ang dumugo sa'kin. LMAO.
ReplyDeleteNyahahaha.
ReplyDeleteKainisness ba? Nyahahaha.
Oh diba? I told ya. Laughtrip ampf. Blahahaha.
ReplyDeleteamfufu talaga hehehehe
ReplyDeletemamaya ko po babasahin .... nakakapagod din pala.. :)
ReplyDeletemasarap basahin ang iyong sanaysay, ngunit ang haba kaya inuna ko muna nag pagkain ng tanghalian......
ReplyDeletemaganda at napakalaking pagkakaiba sa mga nauna mong naisulat sa wikang ingles, mas makahulugan nga ito, gaya ng sinabi mo...
hehehehehe nice danah miss you na gurl...
Nyahahaha.
ReplyDeleteOh di dumugo din ang ilong mo no? LMAO. Mwah!
ReplyDeleteSarap ba lunch?
ReplyDeleteIba no? Hindi bagay sa'kin. Blahahaha.
Miss you more, Sedfrey boy. Mmmwah!
Waaaaahhhhhh! Kung sino ka man lumayas ka sa katawan ni Danabelle!
ReplyDeleteSinapian eh noh!
i tried the google translate and i died. bwahaha!
ReplyDelete"I would magpakulay hair ... But two things bumabalakid my pagde decide. First, I do not parin money. (Hahaha.) Second, does not keep me parin what color I want."
"Maybe the exultant today. Maybe I die in katatawa."
oh, ha? gahhh!
Bwahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaha.
ReplyDeleteSinapian.
Blahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaha.
Langya, natawa talaga ako, Irog.
Miss you.
Bwahahahahahahahahahahahahahahahahahaha.
ReplyDeleteGoogle translate is teh shite! LMAO.
Maybe I die in katatawa. LMAO. Bwahahahaha.
Miss you too! Very many!
ReplyDeletethank you dana for honoring my wish...hihihihi
ReplyDeletebloody nose ba? or brain damage?
You are most welcome, my dear. Mmmwah.
ReplyDeleteBloody nose lang naman. LOL.
pagulong sa sahig tumatawa ang aking mga asno off.
ReplyDeleteROFLMAO daw yan sa google translate. haha! LOL makes sense. :D
GoogleTranslate, I love you.
ReplyDeleteBlahahaha.
hahahahahahhaha
ReplyDeletehang hirap basahin!!! hindi ko tinuloy! hahahahhaha
di ako sanay! huy!
Bwahahahahahahahahahahahahahahahahaha.
ReplyDeleteS'what I'm sayin'.