Wednesday, October 8, 2008

10.9.8.

Matagal ko nang isinara ang pintuan ng nakaraan at pinilit ko nang kalimutan ang lahat. Ngunit nitong mga huling sandali aking napagtanto na kahit na sinarhan ko na ang pintuan ng nakaraan, napuna ko na hindi ko pala ito naikandado. Kaya't tuwing umiihip ng malakas ang hangin ng iyong alaala, bumubukas ito.  At kahit na alam ko na tayo ay sadyang hindi na muling pagtatagpuin ng tadhana, hindi ko maiwasang maisip ka at maalala. Sa totoo lang, may mga sandali na naiisip kong dapat ko na lamang iwanang nakabukas ang pintuan at manatili sa gilid nito habang hinihintay ang pagbalik mo... Kahit na alam kong hindi na ito mangyayari pa.

Hindi na kita mahal at hindi na kita dapat mahalin, ngunit tila hindi kaya ng damdamin kong ipa-isangtabi na lamang ang nakaraan. Hindi man totoo ang pinaniwalaan kong ipinagtagpo tayo ng kapalaran, totoo ang aking naramdaman na pagsinta at totoo ang mga luhang pumatak sa aking mga mata na minsa'y di parin matigil sa pag patak. Kalahati ng buhay ko'y naialay ko sa'yo, kaya't gusto ko lamang respetuhin ang alaala mo. Kaya siguro hindi ko magawang ikandado ang pintuan ng nakaraan, dahil sa aking kaisipan, ang pag-gawa nito ay parang pagba-balewala ko na rin sa iyo at sa naging halaga mo sa buhay ko.

Mahigit isang dekada na ang nakalipas... Ngunit ang bakas ng presensya mo sa puso ko ay naririto parin. Alam kong masaya ka na sa iyong kinalalagyan at wala na akong maibibigay o magagawa upang mas paligayahin ka pa. Kaya't ika'y aking babatiin na lamang ng maligayang kaarawan. Nawa'y lahat ng iyong mga kahilingan ay matupad at nawa'y pagpalain ka at biyayaan ka ng Diyos ngayon at magpakailanman.

24 comments:

  1. ...galeng..

    Dana-babeh totoo nga ang balita.... sulplised ako :D

    ReplyDelete
  2. ng dahil sa di nya pananatili kung saan ka naroroon...

    ....andito ka ngayon :)

    ReplyDelete
  3. dana ikaw ba yan?


    hehehehehe

    hayaan mo lang cia sa doon, you don't know he may come back

    ReplyDelete
  4. nhehehehehehehehe

    nalimutan ko ilagay eh

    ReplyDelete
  5. Ayiii. Salamat po.

    Totoo ang balita na...? ...Marunong pala akong mag-Tagalog? Ahihihi.

    ReplyDelete
  6. Sa totoo lang, ayokong maparito. Mahirap dito sa kinalalagyan ko. Ngunit wala na akong magagawa pa. Iniwanan na n'ya akong luhaang, sugatan, di mapakinabangan... Ehek. Kanta na ata yun. LOL.

    ReplyDelete
  7. Aba'y teka... Kung kailan ako'y nananagalog na, ikaw naman ang nagi-inggles.

    ReplyDelete
  8. that's layf......dapat meron opposing side

    ReplyDelete
  9. wow, d. i had to re-read. i got lost. nalibog, in bisaya. hehe.

    ReplyDelete
  10. haha. i don't mind. i still love it. :D

    ReplyDelete
  11. gggrrrrrrr....grabe! \m/
    hehehehe... high calibre na manunulat. hehehe

    ReplyDelete
  12. Awww... Well, aren't you a sweetheart? I love you. Bissou.

    ReplyDelete
  13. Nyayyy. Binobola mo naman ako eh. Ganun pa man, salamat narin! :) Hihihi.

    ReplyDelete
  14. tagalog nanaman?!?!!?!??! nyeta, mamya na nga lang!! hahahhahahahah

    miss ya!

    ReplyDelete