Napanaginipan kita ulit kagabi... Napanaginipan ko na naisipan mo rin akong kausapin... At hindi lang yun, bumisita ka pa dito sa bahay.
Ang saya saya.
Nakangiti nga ako pag-gising ko eh. Kahit panaginip lang, masaya parin. Sana magkatotoo, pero...
...Mukhang malabo...
Ni hindi mo nga ako pinapansin. Kakausapin pa at bibisitahin. Ang labo, diba?
O sige na... Good night na. Matutulog na ako. Baka kasi mapanaginipan kita ulit. Sayang naman, para kahit sa panaginip na lang, makita kita at makasama.
As Always,
D.
P.S.: Wag ka na dyan sa panaginip... Mag-katawang tao ka na. Mahigit dalawang taon ka ng nangugulo ng tulog ako. Gisingin mo naman ako, huy...
No comments:
Post a Comment