Monday, November 3, 2008

Bakit ka umiwas?

Kahit na hindi na ako nagkaron ng pagkakataon at lakas ng loob na sabihin pa... Siguro nalaman mo narin. Hindi rin naman talaga ako magaling magtago. Halata naman talaga kasi di'ba? Alam kong hindi na kita dapat tanungin. Karapatan mo naman yun, yung iwasan ako't kainisan ako. Nakakainis naman kasi talaga eh. Kahit siguro ako maiinis taong katulad ko.

Pasens'ya ka na, ha. Akala ko kasi pwede pa tayong maging magkaibigan. Alam kong mahabang panahon na ang lumipas at dahil din doon inakala ko na pwede na nating kalimutan ang nakaraan at mag-umpisa sa simula. Pero mali pala. Siguro hindi ko na dapat ipinagpilitan pa ang sarili ko sa'yo at sa pamilya mo... Pasens'ya ka na at nagkamali ako.

Pasens'ya ka na kung nasasaktan ako. Alam kong wala akong karapatan masaktan, pero hindi ko mapigilan. Masakit pala ang pakiramdam ng itinataboy. Kung sabagay kasalanan ko naman ang lahat ng ito... Pinilit ko pa kasing isiksik ang sarili ko sa mundo mo. Pasens'ya ka na, ha?

Pasens'ya ka na kung iiyakan na naman kita. Alam kong paulit ulit na lang ako. Pakiramdam ko sa ilang milyong luhang pumatak simula pagkabata ko hanggang ngayon, higit pa sa kalahati ay iniyak ko sa iyo. Pasens'ya ka na kung nagdaramdam ako... Sensitibo lang siguro ako.

Pasens'ya na... Pasens'ya na lang ako...

8 comments: