Nauubusan na ako ng alias na itatawag sa'yo. ...Nauubusan narin ako ng ... hindi ko alam kung ano nauubos sa'kin. Pero parang nauubos na ako.
Gusto kong magtanong kung baket, pero wala namang sagot. Gusto kong umalis, pero wala naman akong mapuntahan. Gusto kong mag-drama, pero alam kong pagagalitan mo lang ako. Gusto kong magpa-cute, pero tiyak, babatukan mo ko. Gusto kong magpa-sexy, pero wala namang epek sa'yo yun. Gusto kong magsulat ng stealth love/hate blog, pero wala naman akong maitago sa'yo, pati yata kulay ng bra at panty ko, alam mo. Gusto kong mawala at magpa-miss, kaso talo ako, nam-miss kita kaagad. Gusto kong mainis sa'yo, pero di ko naman kaya. Gusto kong mainis sa sarili ko, at naiinis narin naman talaga ako. Gusto kong mainis sa mundo, pero wala naman silang kasalanan. Gusto kong magwala, pero baka ipa-mental na ako ng nanay ko. Gusto kong makinig sa theme song natin at mag-emote, pero wala naman tayo non at wala akong mahanap. Gusto kong umiyak, pero natatawa ako. Gusto kong awayin ka, pero ang bait mo. Gusto kong mainis ka, pero di ka naman marunong non. Gusto ko... Gusto ko... Gusto kita, pero hindi dapat.
Langya naman eh. Wala na bang katapusan 'to? Paulit-ulit ng paulit-ulit. Ikaw ulit. Ikaw na naman. Ikaw nalang palagi. Ikaw, ikaw, ikaw.
As Always,
D.
Bussett.
ReplyDeleteNahilo ako don ah! wahehehhe!
ReplyDeletemwaaaaaaaaah!
usap tayo when we get a chance!
waheheheh!
mwah!
love love babe!
Hahaha.
ReplyDeleteI knowww. We needs to bond. :) I love you!!!
Sya na naman. Sya naman talaga. Sabi ko naman nga ba eh. Tsk. What to do what to do.
ReplyDeleteBwahahaha. At talaga namang I'm sure masayang masaya ka.
ReplyDeleteIs this new letter a hybrid of the stealth love/hate blogs? Hehehe.
ReplyDeleteIt would be stealth, although, I doth think that the recipient knows that he is the one I'm writing to. Hahaha.
ReplyDelete