Monday, January 5, 2009

Of why I truly love Palangga...

D.: Gisingin mo ako.
Ga: GUMISING KA!
D.: Gaga, dali gisingin mo ako.
Ga: Ano bang klaseng alarm clock ang gusto mo?
D.: Yung Hello Kitty para girl na girl.
Ga: Magigising ka na ba talaga dun?
D.: Di ko sure. Ikaw na lang. Lagay mo yung picture mo sa clock.
Ga: Alam mo kasi, hindi ka kasi nags-seryoso. Magseryoso ka kasi. Tsaka ilang beses na rin naman kita pinagsabihan hindi ka naman nakikinig eh. Kita mo ngayon, nakita mo lang na ganon, napanaginipan mo na. Tsaka hindi mo naman kilala yun, Ga.
D.: Hindi pero kilala ko s'ya sa mga blog n'ya. So parang diary narin yun. Kaya parang kilalang kilala ko na s'ya.
Ga: Ano ba? Blog lang yun. Hindi mo naman malalaman sa blog kung ano accent n'ya. Hindi mo malalaman sa blog kung may putok s'ya. Or kung mabaho hininga n'ya.
D.: Aray ko. Sige konti pa magigising na ako malapit na.
Ga: Naguusap ba kayo?
D.: Hindi.
Ga: Oh see. Di naman kayo naguusap. Di kayo nagkikita. Binati ka ba n'ya nung pasko?
D.: Aray. Ok sige malapit na. Naaalimpungatan na ako. Sige pa.
Ga: Nung New Year naalala ka ba n'ya? Kahit forwarded message lang. Wala naman diba?
D.: Wala nga tama ka... Salamat, Ga. Gising na ako. Ikaw talaga ang Anchor ko. ...Anchor milk.
Ga: Nyahahaha.

8 comments: