Thursday, July 3, 2008

Dear One,

Alam kong mali, pero kahit na hindi na tayo. At kahit na hindi na kita mahal... Gusto ko mahal mo parin ako. Narsisa ako eh. Gusto ko, ako yung babaeng hindi mo kayang kalimutan kahit gaano kahabang panahon na ang lumipas. Gusto ko kahit na magkaron ka ng iba, ako at ako parin ang babalik-balikan ng puso mo.

You owe me that, leche ka.

That being said, congrats. Bagay kayo. Alam ko, late na 'to. Alam mo naman ako, laging huli sa balita. Pero sige, congrats sa inyong dalawa at nakita n'yo rin na talagang kayo ang para sa isa't isa...

Pero ito lang ha... Ito lang... Alam mo ba yung feeling na bigla mong malalaman na after all these years, ikaw pala ang kontrabida sa sarili mong pelikula? Putek. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Tama yan. Magsama kayo. Pero langya ka mamahalin mo ko with the life of you until you die.

Tutal, ako pala yung kontrabida. Ito, ang ginagawa ng mga kontrabida.

Oo na. Galit ako.

Galit ako kasi leche ka... Uunahan mo pa ako. Pweh.


As Always,
D.

21 comments:

  1. uy galit nga.... tagay tayo dyan...

    ReplyDelete
  2. hahaha. lecheng pag-ibig yan! pweh.
    love you dana! nice one..:D

    ReplyDelete
  3. teka... is this the practical example of "hell hath no fury as a woman scorned"?

    ReplyDelete
  4. girl.......hmmmm......may comment ako dito mamaya....'pag nagkita ulit tyo.

    ReplyDelete
  5. sweetie, pag walang kontrabida, walang istorya... keri lang yan... go lang.. o kaya ako na lang.. lab kita... 4ever!!! (hala! baka machismax!) ^-^ *kisses*

    ReplyDelete
  6. Dana, love stories are like the movies. There is the start and the end. The start always begins with a lot of thinking, the middle is full of shitty memories and the end, is the most F$%Ked up chapter of all. Sometimes, you don't know if it ends or not, all you can do is scream and beat yourself up.

    ReplyDelete
  7. aww. may karma un, ngiteee!! ~ :)

    ReplyDelete
  8. Bwahahaha. Ngayon alam mo na ang story dito. May karapatan naman akong mapikon diba? LMAO.

    ReplyDelete
  9. Nagkita na tayo. Bwahahaha. Miss kita. Hmpfsh. Wala ka kagabi/kaninang umaga. Sayang.

    ReplyDelete
  10. Awww. Love you din kita forever and ever!!! :) Hihihi. Miss you much!!!

    ReplyDelete
  11. *Hugs back. :)

    Congrats, Dox. Sa DPE. Hehehe. Ang pictures wag burohin. LOL. (Nagsalita ang wala paring nau-upload kahit sa laptop, lahat nasa camera parin.)

    ReplyDelete
  12. I read your blog. And you're right, what doesn't kill you will make you stronger...

    Kaso hindi ba pwedeng s'ya na lang i-kill ko?

    LMAO.

    ReplyDelete
  13. o sya.....post na ang mga pictures....ahihihi

    ReplyDelete