Monday, July 14, 2008

Alam mo ba talaga ang gusto ko?

...Gusto kong masaktan. Hindi naman sa pagiging masokista, pero gusto kong masaktan. Gusto kong masaktan ng paulit-ulit, para makapagpatawad din ako ng paulit-ulit. Hindi naman sa pagiging martyr, pero gusto kong malaman kung ano ang pakiramdam ng pagtitiis sa isang taong hindi mo kayang iwanan dahil kahit ilang beses ka n'yang saktan at kahit gaano kasaklap ang ipadama n'ya sa'yo, hindi kaya ng puso mong talikuran s'ya. Hindi naman sa pagiging tanga, pero sige na nga. Gusto kong magpaka-tanga. At gusto kong magpaka-tanga ka rin para sa'kin. Gusto ko patay na patay ako sa'yo, pero di ako papahalata (kahit halatang halata na naman) at gusto ko ganon ka rin sa'kin (at mas lalong halata naman sa'yo). Hindi naman sa pagiging desperado't desperada, pero sige na nga, desperado tayong nagmamahalan. Oh ha? Gusto ko hindi tayo magaaway. Hindi sa pagiging idealistic, pero alam ko wala naman tayong pagaawayan at alam kong hindi ko kayang magalit sa'yo... Nagpapaka-tanga nga ako sa'yo, remember? Ang tanga, hindi nagagalit. Tanga, eh. Tinatarantado na, di parin aapila.

Oo. Sige na. Masokista na kung masokista. Tanga na kung tanga. Gusto ko yun eh. Walang pakielaman ng trip.

Pero higit sa lahat... Alam mo ba talaga kung ano ang gusto ko?

...Ikaw.

Gusto ko ikaw. Gusto kita.

Pero dahil masokista ako, mananahimik na lang ako't magpapakatanga sa'yo ng hindi mo nalalaman.

Yun ang gusto ko eh. Walang magulo.

12 comments:

  1. WALANGYANG YAN!!!
    *Sinaktan si Dana*

    ReplyDelete
  2. naapektuhan ako ah! sino ba yun ha? sabihin mo lang ha! :)

    ReplyDelete
  3. ganun pala yun?
    tanga ko rin pala! =D

    ReplyDelete
  4. pain ba... teka aatras ko lang jeep ko... ready???

    ReplyDelete
  5. bwahahahaha...nakakarelate ako...at napapangiti...
    sige na nga walang magulo....ice...wag magulo

    ReplyDelete
  6. Bwahahahahahaha.

    Aray ko, Anna May. Masakit. Ouch. Ok I forgive you. Ulitin mo.

    ReplyDelete
  7. Bwahahaha. Naapektuhan ka? Blahahaha. Pansin ko maraming nagpapa-apekto sa blog ko. Tsk. Saktan n'yo lang ako, pag ganon. Ok lang. Blahahaha.

    ReplyDelete
  8. Ahihihi. Apir tayo Mamaliz. Pareho tayong tanga. Sarap magpakatanga diba? Hihihi.

    ReplyDelete
  9. Ready!

    Teka teka... Po-position lang ako. Ok eto wait, move ako one cm... Kulang ang position...

    Ok ayan.

    Ready!

    ReplyDelete