Monday, June 2, 2008

Kamusta naman?

Nagpapakabait na ako... Ayoko nang mang-The Who. Mangangamusta na lang ako...



- Kamusta naman ang pornographic aspirations? Mukhang natupad ah. Congrats!

- Eh ang pagiging sponge? Kamusta naman yun? Salamat ha? Pinapa-bilib mo ako sa sarili ko. Feeling ko parang ang galing galing ko.

- Kamusta naman ang paglalalandi mo kung kani-kanino? Alam ba n'ya yan? Wag kang mag-alala, di ko sasabihin. Di naman kami close ... yet.

- Kamusta naman ang pagc-conceptualize? Oh. Wala naman akong sinabi. Defensive ka agad.

- Kamusta naman ang paghakot ng attention?

- Kamusta naman ang hinagpis at galit mo sa'kin? Eh ang inis at inggit? Haha.

- Kamusta naman ang ka-plastikan? Ikaw pala yun. All this time, ngayon ko lang napagtanto. Bravo! Ang galing mo.

- Kamusta naman ang pagbabasa mo? Nahanap mo ba ang sagot sa mga katanungan mo? Malamang mas may gusto ka pang malaman pagkatapos nito...



Kamusta naman?

32 comments:

  1. ok lang ako ...hhehehehe...kamusta na?

    ReplyDelete
  2. Haring Japat! :D Kamusta na po? :) Kelan po tayo shoot? Regards po sa inyong Reyna at napaka-cute na Prinsipeng Mac.

    ReplyDelete
  3. hahaha!! ayos!!
    ang galing mo talaga miss dana :)

    ReplyDelete
  4. -ok naman ung pagpoporno ko....
    -mahirap palang maging sponge bumibigat pag madaming ka nang nasipsip na tubig
    -mas mahirap maglandi lalaki kaya ako... ang pangit tingnan...
    -ok naman conzeptualization ko, wala ka bang bago para makuha ng idea ako
    -ay susu ayun dami ko nang atensyon di ko lang alam kung san ko itatambak ung iba...
    -ok na ung galit medyo naiibsan na... kaya bati na tayo ha payapos nga!!!!! huwaw ang lambot...(pis tayo)
    -hirap pala ngg plastik ambilis lumambot dala ng init ng panahon
    - ung pagbabasa ok lang...medyo bitin (walang shorts?)

    ReplyDelete
  5. parehas din sa the who eh.. hheheehe
    musta ka na dah-na? ok ka lang? :D

    ReplyDelete
  6. Blahahaha. :) Sana nag-enjoy ka sa pagbabasa. :) Kiss po kay Baby Mac. :D

    ReplyDelete
  7. Blahahaha.

    Ok lang.

    I'm just feeling a little mean.

    Medyo.

    Konti.

    Pero nagpapakabait na ako. :D

    PROMISE.

    ReplyDelete
  8. sino nagsabing di ako naniniwala? naniniwala ako.. :|

    ReplyDelete
  9. Blahahaha.

    De totoo talaga...

    :) Nagpapakabait na ako.

    Di na ako manlalait... :)

    ReplyDelete
  10. ang tagal kong di nakakapagcomment pero magcocomment ako ngayon...walang halong kaplastikan, mas maganda 'to sa da WHO...

    ReplyDelete
  11. Haha. Gawa na din! :D Para marami ulit magalit. Hahaha.

    ReplyDelete
  12. Hehehe. :) Ehhh so kamusta naman ang conceptualization? Ok diba?

    ReplyDelete
  13. Nakalimutan kong tumawa... BLAHAHAHAAHAHAHHHAHAHAHAHAHAHA.

    ReplyDelete
  14. nagulat lang ako, natawa at napailing (a la dox)
    at walang nagawa kundi magsumbong kay KC
    at magbigay ng sarcastic remarks sa kabilang thread
    yun lang

    ReplyDelete
  15. ay? memory lapse? moohahahahahahahaha.

    great job on the tpp homepage, d! :D

    ReplyDelete
  16. ayos Dana........naaliw ako.......galing mo talagang magsulat!......tuloy mo lang!

    ReplyDelete
  17. Hehe. Mabuti naman at naaliw kita. Hihihi. Musta na? Tagal mo ata di nagonline. :)

    ReplyDelete
  18. Ayte! ahehehheheh!
    Now ko lang nabasa super delayed reaction.
    But... I LOVED THIS BLOG! ahhhahahahaha!
    Swak eh!

    @SED.... nice answers... i sort of heard you while reading it kaya lalo akong natawa.

    @ICE..waheheheh! ito pala yung sinasabi mo sa akin infairness...as in...photo copier (literally)!

    @DANA ... ayte! super pornography pala aheheheh! akala ko sa photography sila interested...hindi pala! That's what makes us different from them! APIR! waheheheh!

    ReplyDelete
  19. oo nga eh......medyo naging bz.......basta susundan ko ang mga blogs mo....hehehehe...ingatz!

    ReplyDelete